A![]() |
"Ang Aking mga Tiyahin" |
Sa malayong lugar ng Maynila sa Marikina nakilala sina Potenciano Gonzalvo at Helen Donato. Si Helen ay isang Lady Guard samantalang si Potenciano ay isa ring guwardiya. Noong una tila magkaibigan lamang sila, subalit sa hindi inaasahang pangyayari nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Kaya naman nagging magkarelasyon sila na humantong sa kanilang pagpapakasal. Taong 1992, ikinasal sina Potenciano Gonzalvo at Helen Donato. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng walong anak. Ito ay sina, Cristina, Jessie, Mary Grace, Ginalyn, John Paul, Dingdong, Ivan at Monica.
![]() |
"Ito ay Litrato ko nung Isang taon lang ako" |
![]() |
"Ito ay 2nd Birthday ko" |
Taong June 1999, ipinasya ng aking magulang na ipasok ako sa eskwelahan na malapit sa aming bahay. Tuwang-tuwa ako kaya nagsikap ako na matutong magbasa at magsulat, nagbunga ang lahat ng aking pagpapagal. Natuto na akong magbasa ng ingles, at tagalong ganun na rin ang pagsulat at pagbilang. Galak na galak ang aking mga magulang sa ipinakita kong kahusayan. Samantala, sa aming eskuwelahan ako ang palaging pinapakanta ng mga guro ko kapag wala kaming ginagawa, maaaring nagagandahan sila sa aking boses kaya naman malaking karangalan iyon para sa akin.
![]() |
"Ito Litrato namin Pagkatapos Kong Binyagan" |
Sa tiyahin ko naranasan ang tila hindi magandang karanasan. Sa kanila ko naranasan ang nagbuhat ng nabibigat na bagay na ginagawa ng isang aguador na taga-igib ng tubig sa bukal. Siya nga pala kumukuha kami n gaming inumin sa may bukal na malapit sa aming lugar. Ito ay malinis at masarap inumin. Sa kabila ng mahirap na naranasan ko ay tiniis ko ang lahat ng iyon upang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya lamang, ng makapagtapos na ako ng elementarya ay may hindi inaaasahang pangyayari, natanggal sa trabaho ang asawa ng tiyahin ko, kaya hindi na nila ako mapag-aaral pa ng hayskul.
Kaya,nagpasya akong tumigil sa pag-aaral.noong una, hindi ko matanggap subalit, wala na akong magagawa, maaaring may magandang plano ang Diyos sa akin. Habang hindi ako pumapasok sa eskuwelahan ay nahikayat ako na sumimba sa simbahan ng mga born again. Makaraan ang isang taon na paghinto ko sa pag-aaral ay may nag alok sa akin na papapasukin ako ng hayskul. Kaya naman agad akong pumayag sa kanilang kagustuhan. Ipinasok nila ako sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Helen Longjas ang pangalan ng taong nag-alok sa akin upang makapag-aral muli.
Noong 1st yr. ako ay nasa 1-F ako. Ipinaita ko ang pagiging aktibo ko sa klase kahit na tila ba inaapi o inaaway ako ng mga kaklase ko, sa dahilang BAKLA ako!! Tiniis ko ang mga sapok at tadyak nila dahil sa takot din ako sa kanila. Samantala dumating na ang resulta ng una naming markahan at mataas naman ang aking nakuha sa Math, ako ay, nabibilang sa top3. makalipas ang ilang buwan napanatili ko ang puwesto ko sa math gayon na rin sa ibang subject. Subalit sa hirap ng kalagayan ko sa nag-papaaral sa akin ay nagpasya akong umuwi na lang sa amin. Pagdating ko sa amin, ay tinulungan ako ng aking magulang sa aking pag-aaral kaya hindi na ako umalis sa amin.
![]() |
"Ito ang Kasalukuyan Kong Itsura" |
Dumaan ang isang taon at ako’y 3rd yr. na. naging 3-C ako na dati ay 2-E. tuwang tuwa ako dahil mababait ang aking mga kaklase na di tulad ng dati kong mga nakasama. Ditto ko nakilala ang nagbigay kulay sa buhay kong mapanglaw. Siya ay si Jeric Philippi S. Musa, kahit na alam ko na bawal at ayaw niya sa akin. Samantala nahulog ang kapatid ko na si Mary Grace sa bisikleta na nagging sanhi ng pagkalinsad ang buto niya sa likod, matapos ang nangyari ay tila isang lantang gulay ang kapatid ko. Kaya ipinatingin ng mga magulang ko sa doctor at doon nakita ang linsad nitong buto, at nagkaroon pa siya ng tuberculosis sa buto. Kaya ipinagamot naming ito at inihingi ng tulong kay Martin Ambray Ilagan kaya naibigay sa kanya ang gamut sa tuberculosis. Samantalang patuloy na tumataas ang aking marka sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa buhay namin.
![]() |
"Ito ay Litrato Ko ng magkaroon ng Camping sa School' |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento