Lunes, Marso 7, 2011

"Ang Talambuhay ni Jessie D. Gonzalvo"

A
"Ang Aking mga Tiyahin"


Sa malayong lugar ng Maynila sa Marikina nakilala sina Potenciano Gonzalvo at Helen Donato. Si Helen ay isang Lady Guard samantalang si Potenciano ay isa ring guwardiya. Noong una tila magkaibigan lamang sila, subalit sa hindi inaasahang pangyayari nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Kaya naman nagging magkarelasyon sila na humantong sa kanilang pagpapakasal. Taong 1992, ikinasal sina Potenciano Gonzalvo at Helen Donato. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng walong anak. Ito ay sina, Cristina, Jessie, Mary Grace, Ginalyn, John Paul, Dingdong, Ivan at Monica.

"Ito ay Litrato ko nung Isang taon lang ako"
            Taong Disyembre 24, 1993, ipinanganak ang isang natatatanging bata ng may angking talento sa pag-awit, pag-sayaw, at pagtitiyaga sa pag-aaral. Siya ay si Jessie D. Gonzalvo. Pangalawa ako sa walong magkakapatid. Nagmula raw ang aking pangalan sa pangalan ni Hesus. Sabi ng nanay ko kung napatapat ng Disyembre 25, ang aking kaarawan maaaring Hesus ang pangalan ko, subalit Disyembre 24 kaya, Jessie nalang ang ipinangalan sa akin.

"Ito ay 2nd Birthday ko"
            Noong dalawang taong gulang pa lang ako ay naninirahan kami sa Marikina kung saan ako ay ipinanganak. Isang araw habang naka duty ang aking ama ay may isang magnanakaw na pumasok sa  bahay na binabantayan niya. Muntik na siyang mapatay nito, buti na lang at naagaw nito ang hawak na samurai ng magnanakaw. Kaya nagtatakbo ito at napadaan sa aming bahay, buti na lang at hindi niya ako nakita, kung hindi maaaring wala na ako sa mundong ibabaw. Dahilan sa nangyari nagpasya ang aking magulang na lumipat kami dito sa Laguna, sa San Gabriel dahil sa takot na balikan o patayin kami ng magnanakaw dahil nakawala iyon. Pagdating naming ditto sa San Gabriel, ay nakilala ko ang aking mga pinsan sa bahagi ng aking ama. Masayang-masaya ako noon subalit nawalan ng trabaho ang aking ama dahil expired na ang lisensya niya sa pagiging guwardiya, kaya nag tricycle driver na lang siya.

            Taong June 1999, ipinasya ng aking magulang na ipasok ako sa eskwelahan na malapit sa aming bahay. Tuwang-tuwa ako kaya nagsikap ako na matutong magbasa at magsulat, nagbunga ang lahat ng aking pagpapagal. Natuto na akong magbasa ng ingles, at tagalong ganun na rin ang pagsulat at pagbilang. Galak na galak ang aking mga magulang sa ipinakita kong kahusayan. Samantala, sa aming eskuwelahan ako ang palaging pinapakanta ng mga guro ko kapag wala kaming ginagawa, maaaring nagagandahan sila sa aking boses kaya naman malaking karangalan iyon para sa akin.

"Ito Litrato namin Pagkatapos Kong Binyagan"
            Makalipas ang tatlong taon ako ay nasa ikaapat na baiting na, subalit habang lumilipas ang panahon dumarami ang aking mga kapatid. Mula sa apat ay nagging walo na kaya naman napagpasyahan ng mga magulang ko na ibigay ako sa tiyahin kong si Doray. Dahilan sa hindi na nila kayang pag-aralin ako. Noong una, ay malungkot at umiiyak ako dahil sa ayokong mawalay sa aking mga magulang, subalit wala akong magagawa kundi tanggapin iyon.

            Sa tiyahin ko naranasan ang tila hindi magandang karanasan. Sa kanila ko naranasan ang nagbuhat ng nabibigat na bagay na ginagawa ng isang aguador na taga-igib ng tubig sa bukal. Siya nga pala kumukuha kami n gaming inumin sa may bukal na malapit sa aming lugar. Ito ay malinis at masarap inumin. Sa kabila ng mahirap na naranasan ko ay tiniis ko ang lahat ng iyon upang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya lamang, ng makapagtapos na ako ng elementarya ay may hindi inaaasahang pangyayari, natanggal sa trabaho ang asawa ng tiyahin ko, kaya hindi na nila ako mapag-aaral pa ng hayskul.

            Kaya,nagpasya akong tumigil sa pag-aaral.noong una, hindi ko matanggap subalit, wala na akong magagawa, maaaring may magandang plano ang Diyos sa akin. Habang hindi ako pumapasok sa eskuwelahan ay nahikayat ako na sumimba sa simbahan ng mga born again. Makaraan ang isang taon na paghinto ko sa pag-aaral ay may nag alok sa akin na papapasukin ako ng hayskul. Kaya naman agad akong pumayag sa kanilang kagustuhan. Ipinasok nila ako sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.  Helen Longjas ang pangalan ng taong nag-alok sa akin upang makapag-aral muli.

            Noong 1st yr. ako ay nasa 1-F ako. Ipinaita ko ang pagiging aktibo ko sa klase kahit na tila ba inaapi o inaaway ako ng mga kaklase ko, sa dahilang BAKLA ako!! Tiniis ko ang mga sapok at tadyak nila dahil sa takot din ako sa kanila. Samantala dumating na ang resulta ng una naming markahan at mataas naman ang aking nakuha sa Math, ako ay, nabibilang sa top3. makalipas ang ilang buwan napanatili ko ang puwesto ko sa math gayon na rin sa ibang subject. Subalit sa hirap ng kalagayan ko sa nag-papaaral sa akin ay nagpasya akong umuwi na lang sa amin. Pagdating ko sa amin, ay tinulungan ako ng aking magulang sa aking pag-aaral kaya hindi na ako umalis sa amin.

"Ito ang Kasalukuyan Kong Itsura"
            Makalipas ang isang taon,2nd yr na ako. Tumaas ng isa ang seksyon ko, kaya 2-E na ‘ko. Naging teacher ko sina Mrs. Linggad, Mr.Mission, at Mrs. Evangelista, silang tatlo ay tuwang-tuwa sa akin, una sa English dahil sa magaling akong mag declamation, pangalawa sa Math, madali daw akong maka-pick-up ng sagot. Pangatlo, sa Filipino ay aktibo ako sa pagsagot sa aming talakayan kaya naman matataas ang aking mga marka. Noong 2nd yr din ako, ay nagging si Florante ako kahit na bakla ako. Ipinagkatiwala ni Mrs.Linggad ang role ko sa Florant’t Laura. Lubos ang aking kagalakan kaya ginalingan ko, subalit noong lumaban kami ay natalo ang aming seksyon. Tinanggap naming lahat ng iyon.

            Dumaan ang isang taon at ako’y 3rd yr. na. naging 3-C ako na dati ay 2-E. tuwang tuwa ako dahil mababait ang aking mga kaklase na di tulad ng dati kong mga nakasama. Ditto ko nakilala ang nagbigay kulay sa buhay kong mapanglaw. Siya ay si Jeric Philippi S. Musa, kahit na alam ko na bawal at ayaw niya sa akin. Samantala nahulog ang kapatid ko na si Mary Grace sa bisikleta na nagging sanhi ng pagkalinsad ang buto niya sa likod, matapos ang nangyari ay tila isang lantang gulay ang kapatid ko. Kaya ipinatingin ng mga magulang ko sa doctor at doon nakita ang linsad nitong buto, at nagkaroon pa siya ng tuberculosis sa buto. Kaya ipinagamot naming ito at inihingi ng tulong kay Martin Ambray Ilagan kaya naibigay sa kanya ang gamut sa tuberculosis. Samantalang patuloy na tumataas ang aking marka sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa buhay namin.

"Ito ay Litrato Ko ng magkaroon ng Camping sa School'
            Kaya ngayong 4th yr na ako ay naging 4-BLAZER na ako! Samantala sa di inaasahang pangyayari ay nagkasakit at naratay ng dalawang linggo ang aking kapatid na si John Paul. Noong una, akala namin simpleng sakit ng ulo lamang ang nararamdaman niya, subalit, nang ipatingin naming ito sa doctor, ay meningitis na pala. Ang meningitis ay isang uri ng sakit sa utak. July 4, 2010 sa ganap na ala siyete ng umaga gumimbal ang isang balita na pumanaw na ang aking kapatid sa ospital sa batangas. Gumuho ang buhay ko sa nangyaring iyon, kaya naman hindi ako pumasok na isang linggo sa aking pinapasukan.Nang malaman ito ng mga kaklase at tagapayo  ko ay agad silang umaksyon upang makatulong sa amin sa pamamagitan ng panonolicit sa dizon. Kaya noong pumunta sila sa amin ay nagulat ako at natuwa sa ginawa nilang pagmamalasakit sa akin. Malaki rin ang utang na loob ko kay Sir Villanueva na dumamay at tumulong din sa amin. July 8, 2010 nilibing ang aking kapatid. Kaya ng dumaan ang mga araw pati na ang pasko at ang bagong taon ay lumbay na lumbay kaming lahat dahil wala na siya. Sa ngayon ay pinipilit naming bumangon mula sa pagkakalugmok. Habang sa aking pinapasukan ay patuloy akong nagsisikap upang makapagtapos ng pag-aaral at nang makatulong sa aking mga magulang. Ito ang kwento ng buhay ko, nawa, maging inspirasyon ako sa lahat ng kabataan na matutong harapin at pagtagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. God bless you all!!!

Lunes, Pebrero 21, 2011

Ang Talambuhay ni Rogelio A. Hamor Jr.







                
Ako 'to noong 1years old!!!




Ako si Rogelio Adriano Hamor ipinanganak noong ika dalawamput tatlo ng Nobyembre taong 1994.Ang aking ama ay si Rogelio Hubilla Hamor limampong taong gulang(50) tubong Sorsogon,Bicol,hindi nakatapos ng pag aaral at isang karpintero ngunit siya ay masipag,responsible at maasahang ama.Nakilala nya ang aking ina na si  Girlie Putungan Adriano na tga dito sa San Pablo,pareho sila ng aking ama na ndi nakatungtong ng hayskul  at isang maybahay lamang ngunit mahal na mahal ko siya.Mayroon akong  walong kapatid ,apat na lalaki at apat naman na babae,sila ay sina Mark Erolle na 21 gulang,si Sergio na  14 gulang,Reina Ann na 11 gulang,si Regina na 9 gulang,at si Rocel na 6 na gulang,at an gaming bunso ay si Rodney na 2 gulang. Ang aming pamilya ay simple lamang,kung anong makakain siya ng pag kain ngayon lang at kontento na kami kung anung buhay ang mayroon kami basta kami ay sama sama at Masaya.sa hirap man o ginhawa,na kahit minsan ay may di pag kakaunawaan nanaig parin sa aming damdamin an gaming pag mamahalan,lalong lalo na sa oras ng kagipitan lahat kami ay nag dadamayan.
Noong ako’y musmos pa lamang sa gulang na limang taon ay tinuturuan na ako ng aking ina,unag una ang pag susulat aking pangalan,apilyido at tiniruan din nya ko kung paano bumasa na maayos.lagi nya kong binabasahan ng kwento bago ko matulog.Sa gulang na Anim na taon.ako ay pumasok na,tumuntong ako sa unang baiting sa paaralan ng elementary ng San Roque,hated at sundo ako ng nanay ko.Kahit na napapagod siya sa pag hahatid sundo sakin ay pinipilit parin nya na maging ina sakin,kaya naman mahal na mahal ko ang nanay ko.Dahil sa aking kabaitan ay naging isang huwaran ako sa lahat ng estudyante sa aming paaralan.Taong 2002 grade 2 na ako,dito dumamai ang aking mga kaibigan.Isa na ditto si Jerome Sarong nakilala ko siya dahil mabait siya sa akin,naging matalik na kaibigan ko si Jerome.Siya lagi ang aking kasama sa araw araw,sabay kaming kumain ng recess,kahit sa pag kain ng tanghalian ay hindi kami mapaghiwalay.Palgi kaming umaakyat sa puno ng bayabas at dun kumakain ng matatamis na bayabas.Sa lahat ng bagay lagi kaming mag kasama.Taong 2003 komplikado ang mga nanagyari,nagkasakit ang aking ina dahil sa nangyaring ito ay maari akong mapatigil sa aking pag aaral,dinala sa ospital ang aking ina,hindi naming alam kung anu ang gagawin kung san ba kami kukuha ng maiipambayad sa pag kaospital ng ina ko.Tanging panalangin nalamang ang aking nagawa para sa aking ina at sa awa ng panginoon ay dininig nito ang aming panalangin,tinulungan kami ng aking lola sa mga naging gastusin ng pagpapagamot ng aking ina.Kaya naman tinatanaw ko ito na isang utang na loob.Pagkalipas ng ilang linggo ay gumaling na aking ina.Sobra sobra ang pasasalamat namin sa panginoon sa tuluyang pag galing ng aming ina.Kaya naman nawala ang pag aalinlangan ko sa pag tigil ko sa pag aaral.Simula non mas inalagaan namin an gaming mga sarili para maiwasan ang mga ganung pang yayari.
Balik eskwela nanaman ako,hindi ko alam kung ako’y papasa ng mga panahong iyon,laking pasasalamat  ko na lang alam ng aking guro ang nangyari samin.Talagang pinilit kong makahabol sa mga leksyon na tinuro ng aking  guro at sa kabutihang palad ay nakapasa .Nakatungtong ako sa ikatlong baitang wala naming nangyari sa buhay ko noong mga panahong iyon.
Naging grade 6,ditto may isang pangyayari na hindi ko makalimutan nang makilala ko ang isang magandang babae na nag ngangalang Annielle Louise G.Nagit ,sobra sobra ang paghanga ko sa babaeng ito,hanggang sa natutunan ko sa kanya ang nag magmahal,hanngang sa nakaaway ko ang mga kaibigan,nakasuntukan kami at sa kasamaang palad ay nabugbog ko siya.Hindi ko na alam nag gagawin ko ng mga araw na nagdaan at pinagpasyahan ko nah umingi ng tawad sa matalik kong kaibigan .Bumalik na ulit ang aming pagkakaibigan.
Sumapit na ang araw ng graduation  sobra ang kalungkutan ko ng mga panahong iyon dahil iiwan ko na ang aking mga bagong kaibigan.Pero nagging Masaya din ako ng araw na iyon dahil ako ay isa sa mga  nabigyan ng honor,sobrang saya ng mga magulang ko at pati na ang pagmamalaki nila sa akin.Nagkaroon kami ng maliit na pagdidiwang sa aming tahanan at lahat ay nagging Masaya,kaya lang hindi man lamang kami nakuhanan ng litrato pero kahit ganyan sobra parin an gaming kasiyahan



Ako yan noong 3 years old!!!!





 Noong ako ay hayskul na sa Col.Lauro.Dizon Memorial national Hayskul ako nag hayskul.Taong 2008 naging 2nd year ako,ditto ay mayroon akong hinding hindi ko makakalimutan na pangyayari sa aking buhay,nang maaksidente ang sinasakyan kong motorsiklo kasama ko ang aking ama at nakababata kong kapatid ,akala koy kataposan na ang aking mundo,Nagising nalang ako ay nasa hospital na ko,napinsala ang kabila kong tuhod at ito ay namaga sabi ng doctor wala naman daw nadurog na buto,laki nalan pasasalamat ko.Makalipas ang tatlong araw ay 2nd periodical test na,kahit ganun ay nag pumilit parin akong pumasok makakuha lang ng exam na ito at sa kabutihang palad ay nakaraos din naman.Naging 3rd year ako at ditto ko nakilala ang kaibigan ko sa 3c,sina pat,mark,kerwin,bryan at marami pa.Subalit nang ako ay tumungtong na ng 4th year ay napalipat ako ng sekxyon nagging 4B ako.Panibagong pakikisama nanaman,pero hindi ko nahirapan dahil yung iba ay kakilala ko nanaman,pero hindi parin maiwasan na ma out of place ako minsan,pero sabi ko sa sarili ko na ayos lang yon masasanay din ako at di nga nagtagal ay nagig kaclose ko sila.Kahit may kinaayawan parin ako sa aknila pinipilit ko parin silang pakisamahan ng maayos.Ngayon patapos na ang pinakamasyang pangyayari sa aking buhay,ang hayskul life, nais ko sana inyong malaman na akoy nagpapasalamat sa inyong mabuting pakikisama sa akin lalao na sa mga gurong nagging pangalawa naming magulang sa paaralang ito.Nais ko din magpasalamat sa aking mga magulang na patuloy na sumusuporta sa aking pag aaral,di lang sa aking pag aaral ngunit pati narin sa pang araw araw naming buhay isang bilang pamilya,sa aking dingmga kapatid, salamat sa pagpapasaya sa tuwing ako ay nalulumbay,gayun din sa aking mga kaibigan na lagging andyan kapag ako ay may problema maraming maraming salamat sa inyo mahal na mahal ko kayong lahat.Dito ko na tinatapos ang aking maikling talambuhay.
a@ k n P 2 3 n .Bumalik na ulit ang aming pagkakaibigan.

Sumapit na ang araw ng graduation  sobra ang kalungkutan ko ng mga panahong iyon dahil iiwan ko na ang aking mga bagong kaibigan.Pero nagging Masaya din ako ng araw na iyon dahil ako ay isa sa mga  nabigyan ng honor,sobrang saya ng mga magulang ko at pati na ang pagmamalaki nila sa akin.Nagkaroon kami ng maliit na pagdidiwang sa aming tahanan at lahat ay nagging Masaya,kaya lang hindi man lamang kami nakuhanan ng litrato pero kahit ganyan sobra parin an gaming kasiyahan







Ako ito noong  JS!!!!!





Mga classmate ko sa 4th tear







Ito ako ngayon!!!
^_^



Sabado, Pebrero 19, 2011

Talambuhay ni Sushmita Gapi


Noong ako ay kinder 
              Ako si Sushmita Diaz Gapi ay isinilang  noong Mayo 21, 1994 sa malaking Ospital ng Lungsod ng San Pablo, Laguna. Ako ay labing anim na taong gulang. Ang mga magulang ko ay sina Zoilo Gapi ang aking ama at Myrna Diaz ang aking ina. Kami ay pitong magkakapatid at ako ay pang-apat sa kanila. Nakatira kami sa Barangay Sta. Catalina, San Pablo City. 

              Noong ipinagbubuntis ako ng aking ina siya'y nagpa-ultrasound upang malaman kung ako ay babae o lalake. Sinabi ng doktor na isa daw akong lalake ngunit ng manganak na ang aking ina na pitong buwan lamang ako ay babae ang lumabas dahil sa kulang sa buwan ako ay inilagay sa "incubator" upang ipagpatuloy ang aking buhay. Nagtatakang mabuti ang aking ama noon at di pa ako tuluyang natanggap dahil sa maling pangyayari at impormasyong ibinigay ng doktor. Subalit sa bandang huli ay natanggap na rin ako. 

           May magandang pinagmulan ang aking pangalan. Nang ako'y pinapanganak ay kasabayang nagaganap ang kompitisyon ng Miss Universe na ang nanalo ay si Sushmita Zhen na isang Indian. Kaya napagdesisyunan ng aking mga magulang na iyon ang ipangalan sa akin. Halos lahat naman kaming magkakapatid ay may magandang pinagmulan ng pangalan tulad na lang sa kuya kong panganay na si Marlo, pinagsamang pangalan ng magulang namin. Ang dalawa ko namang kuya na sina Aaron at Zander ay sa bibliya kinuha ang pangalan dahil hilig niyang magbasa ng bibliya at nabasa niya ang mga pangalan na iyo. Ang sumunod sa aking babae ay si Millenne, ipinanganak noong ikatlo ng Enero na taong Millenium kaya naging ganun ang kanyang pangalan. Si Hayley naman ay sa matalik na kaibigan ng akin ina na isang doktora na pumanaw na, sa doktora isinunod ang pangalan dahil naging mabuting kaibigan ito sa aking ina. Ang bunso ay galing sa salitang Republika ng Pilipinas, dahil iyon daw ang tanging napasok sa isip ng aking ina kaya ang naging pangalan ay Arpie. Ang aming mga pangalan ay kakaiba ngunit may istorya. 

Sa aking pag-aaral naman!!

 Recognition namin noong grade 3
        Nagsimula akong mag-aral ng ako'y anim na taong gulang sa Elementarya ng Taytay Malaya, Nagcarlan, Laguna. Kahit papaano ay nakakuha ako ng parangal na nagbigay ng kasiyahan sa aking mga magulang. Nasa unang baitang ng sumali ako sa "Drum and Lyre Club" sa aming paaralan. Naging kasama ko ang aking kua dahil siya ay tumutugtog ng drum. Masaya ang mga activity at pagsasanay na aming ginagawa. Hanggang sa dumating na iyong kumpetisyon ng iba't-ibang paaralan at mga barangay. Hindi ko makakalimutan ang ala-alang ito dahil sa daming naglaban-laban ay naging pangatlo pa kami. Malaking suporta ang ibinigay sa akin ng mga magulang. Subalit may kapalit itong lungkot dahil dumating iyong panahon na kailangang ko ng lumipat ng paaralan. Ang dalawang kuya ko ay sa Bayan ng San Pablo na mag-aaral ng sekundarya at dun pa kami nagkaroon ng hanapbuhay. Pagkatapos ng aking pag-aaral ng ikaapat na baitang, lumipat na ako sa San Pablo Central School. Marami akong nakilala na mga kaibigan at gurong mababait. Lalo pang nadagdagan ang aking kaalaman dahil sa maayos na pagtuturo. Sa San Pablo Central na ako nagtapos ng elementary.

     Nag-aral ako ng sekundarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Maraming nakakatuwa at malungkot na bagay ang nangyari sa akin ng maging high school student dito.

             Noong first year ako, sa aming subject sa Filipino ay nagkaroon ng paligsahan ng sabayang pagbigkas ng tula sa amin section . Ginanap ito silid-aralan ng paaralan, buwan ng Marso taong 2008 sa pamumuno ng aming guro na si G. Lacsam. Bawat grupo ay pinaghandaan ang paligsahan at bawat isa ay may magandang pyesa na gagamitin sa pagtula na gawa rin ng aming kamag-aral. Ang tula ng aming grupo ay "Ang Hunyango" na gawa ni Razel Gatmaitan. Noong una ay nahirapan kami kung paano namin maipapakita ang isang hunyango sa harap ng mga manunuod. Napagkaisahan namin na pinturahan ang aming braso at muka upang maging mas makatotohanan ang aming gustong ipahayag. Nagsikap kaming sauluhin ng mabuti ang tula upang walang magkamali kapag nasa harap na ng laban. Sa maayos at magandang presentasyon, nakatanggap kami ng sertipiko ng karangalan bilang unang pinakamahusay sa larangan ng sabayang pagbigkas ng tula. Malaking bagay sa amin ito dahil alam naming may kinahinatnanan ng aming paghihirap. 
Ako at ang kapatid kong si Hayley

                          2nd year ng mag-"Florante at Laura" paligsahan ng pag-akto, pagtula at pagkanta ng bawat seksyon . Pagpapakita ng mga pangyayari sa kwento ng Florante at Laura. nakakalungkot isipin na lahat ng aming tauhan at mang-aawit ay may nakuhang award pero sa kabuuan ng lahat ay wala kaming nakuha. Kahit ganon ang nangyari masaya pa rin kame kasi may naipakita kami at may pinatunayan. 

1st year highschool AKO 
                        3rd year ako ng nagalit ang guro namin sa MAPEH na si Gng. Baylon. Lagi daw siyang napapsensya sa aming kaingayan, subalit sa hindi inaasahang panahon sa sobrang ingay namin di na sya nakapagtimpi at tuluyan na siyang nagalit. Na-guidance kaming lahat na 3-B. Pinangaralan kami ng guidance councilor na maging maayos sa guro at igalang ito. Sa mga sumunod na araw ay naging disiplinado na ang aming section. Naging maayos na ang pakikitungo ng aming guro. Isang pangkamalian ng na-guidance na naman ako sa kadahilanang napadamay ako sa mga nag-cutting ng klase sa MAPEH. Hindi naman talaga ako lumiban, nahuli lang ako sa pagpasok nun. Nasura ang aming guro dahil sa dami ng nag-cutting sa aming section sa time niya. Kaya kinabukasan pinatawag ang mga magulang ng mga nag-cutting at kasama ako dun. Hindi daw tatanggapin ni ma'am Baylon sa kanyang klase ang estudyanteng di pa nakakausap ang magulang. Kaya sa mga sumunod na araw pinapunta ko na ang aking kuya para kausapin si ma'am. Simula noon ay lagi na akong pumapasok at di na nagpapahuli ng pasok. Maraming masamang karanasan ang nangyari sa akin,  pero isa itong dahilan upang magbago ang mga mali kong gawain.

                       Ito na ang huli kong taon sa high school. Pinakamasayang taon ko na ito ng aking pag-aaral. Maraming activity ang ginagawa sa lahat ng asignatura tulad na lang ng cheerdance. Ito ang pinakamasaya, pinakaexiting at pinakamemorable sa aking pagiging 4th year student. Ang kompetisyong ito ay pinaghandaan talaga ng aming section dahil desidido kaming manalo sa labanang ito. Dahil sa malaking paghihirap at pagpupursige namin sa pagpapraktis nagbunga ito ng maganda, dahil nag-champion kami.!!!

 Mga masasaya't malulungkot na pangyayari sa aking buhay na hinding-hindi ko makakalimutan.

                     Noong bakasyon ng ako'y sampung taong gulang pa lamang pumunta kami ng buong pamilya sa Baguio upang mag-bakasyon, magpakasaya at mag-bonding. Umarkila kami ng bangka upang mamasyal sa lawa ng parke ng Baguio. Nagkakagulo kami dahil hindi maalam magsagwan ang aking kuya at ama pero nakaraus din kame. Nagbisikleta kami ng aking kuya, sa sobrang niyang bilis magpidal nagtaob ang aming bike at nasugatan ang aming tuhod. Umuwi kami ng may masasayang ngiti at magandang ala-ala na hindi namin malilimutan. 
present kong picture
                   Ang malungkot na pangyayari ay noong ako'y labing taong gulang na. Ikinuwento ng aking ina na ampon lang daw???? ako pero hindi yon totoo. Napagkaisahan ako ng aking mga kuya, sinabi nila na hanapin ko na daw ang aking tunay na magulang at huwag makisiksik sa kanila. Napaiyak ako dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko.

                   Sa ngayon malapit na ang araw ng aming pagtatapos nakakaiyak at nakakalungkot isipin na mawawala na ako sa Dizon. Magkakahiwalay na kaming magkakaibigan at higit sa lahat di ko na makikita ang aking CRUSH. Pero ang high school life ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay. Sana maging matagumpay ako sa mga darating pang taon.